Advertise Your Site



                              [enter a keyword]
 

 

   

 

ARTICLE SEARCH

Google
 

Web tatak
 

For Other News, Gossips and Features (see archive)

 
 
 
 
 
Buy Now!!!
Jinky Vidal
 
 
Buy Now!!!
Regine Duets (2 Disc)
 
 
Buy Now!!!
Certified Alternative Vol 1
 
 
Buy Now!!!
Crazy Frog's Choco(late)-(choo)Peta Christmas Medley
 
 
Other Sites
 
 
 

Patrick Garcia


ANGGANG ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang pag-pose ng sexy ni Camille Prats sa FHM magazine.
 
Sabi ay insecure o naiinggit lang daw ang young star sa kaibigang si Angelica Panganiban na nauna nang nag-pose ng sexy sa naturang men's magazine.
 
Sa taping ng Ganda ng Lola Ko sa Broadway Centrum last night ay inalam namin kung ano talaga ang tunay na dahilan bakit napapayag si Camille na mag-pose ng sexy sa naturang magazine?
 
"Actually, last year pa po pinag-usapan ng parents ko at ng FHM magazine ang pag-pose ko ng sexy. Pero tinanggihan ko dahil hindi pa ako ready. Ngayon na lang ako pumayag dahil pakiramdam ko na ito na ang tamang panahon," pahayag ni Camille sa taping ng Ganda ng Lola Ko.
 
"Ako at parents ko ang namili ng isusuot sa pictorial. May limitasyon pa rin at hindi puwede yun makikita ang maselang bahagi
ng aking katawan.
 
"Maganda naman ang kinalabasan at proud ako. Hindi ko lang gusto ang naglalabasan na gusto ko lang daw talbugan o naiinggit daw ako kay Angelica (Panganiban) kaya nag-pose din ako sa FHM.
 
"Walang katotohanan po yan. Kung gusto ko lang siyang talbugan ay dapat noon pa pagkatapos niyang mag-pose sa magazine. Gusto ko lang po mabura ang pagiging young image. Hindi na po ako bata, I'm turning 21 years old sa June 20 this year," mahabang kuwento ni Camille.
 
Hindi rin ikinaila ni Camille na tutol ang boyfriend niya sa pag-pose ng sexy sa FHM. Pero sa paliwanag niya at ng magulang ay napapayag na rin daw nila ito.
 
Ang ikinagulat lang ng dalaga'y dumadagsa ang nagte-text sa kanya magmula nang lumabas ang mga sexy pictorial.
 
Ang iba raw ay bumabati at humihingi ng kopya ng magazine. Ang iba naman ay niyayaya raw siyang mag-dinner.

* * *

Si Patrick Garcia na nga ba ang susunod kina Marvin Agustin at Carlo Aquino sa GMA-7?
 
May nagtsika sa amin na binabalak na rin daw ni Patrick na magpa-release sa Kapamilya Network at lilipat na lang siya sa Kapuso Network.
 
In fact nakikita na nga raw ang actor na bumibisita sa Siyete at may kinakausap diumanong isang executive ng GMA7.
 
Lalo tuloy kami naghinala na totoong lilipat ang actor dahil guest siya sa isa sa magiging episode ng "Ganda ng Lola Ko" kung saan lalabas siyang boyfriend ni Katrina Halili.
 
Sa taping ng "GNLK" ay hindi naman niya ikinailang  nasa Viva Films na  at puwede nang tumanggap ng guesting sa ibang TV network. Sa June this year pa raw matatapos ang kontrata niya sa Dos.
 
Tinanong naman kung wala na siyang balak mag-renew ng kontrata sa Dos. Isang napakatamis na ngiti lang ang itinugon niya sa amin. Bahala na raw kung ano ang mapagkasusunduan nila.
 
Siyanga pala nakabalik na nang bansa si Madam Gloria Sevilla from Tate matapos na ma-stroke sa loob ng airplane.. Nakapag-taping at nakasama na siya muli ng "GNLK" family na sina Camille, Kirby de Jesus, Katrina, Marco Alcaraz, Megan Young, Tess Bomb, Bella Flores, Baby O'Brian atbp.

- -

 

 Site Services: Customer Service  |  Company Policy  |  Shipping Info Business Opportunity  | How to Order  |  Contact Us
 For questions or assistance, call 1-800-828-2577 (West Coast) or 1-866-828-2577 (East Coast)
 © 2001 Tatak Pilipino. All Rights Reserved 2005