Advertise Your Site



                              [enter a keyword]
 

 

   

 

ARTICLE SEARCH

Google
 

Web tatak
 

For Other News, Gossips and Features (see archive)

 
 
 
 
 
Buy Now!!!
Laging Ikaw
(Dingdong & Jessa)
 
 
Buy Now!!!
D' Best of D' Bodies, D' Point Guz, D' Point Ola Chika, D' Point Kidz
 
 
Buy Now!!!
The Lounge Album Vol. 1 (101 Strings)
 
 
Buy Now!!!
The Lounge Album Vol. 2 (101 Strings)
 
 
Buy Now!!!
The Lounge Album Vol. 3 (101 Strings)
 
 
Buy Now!!!
The Lounge Album Vol. 4 (101 Strings)
 
 
Other Sites
 
 
 

Rufa Mae Quinto


ALOS tatlong buwang hindi magkikita sina  Rufa Mae Quinto at ang rumored suitor niyang si Duncan Ramos ng South Border. Kaya si Rufa Mae ay balitang inaaliw ang sarili sa pamamagitan ng texting at pakikipag-usap sa phone.
 
May one month stint  ngayon sa isang five star bar sa Subic  ang South Border. Tapos, may dalawang buwan silang US tour.
 
Maaaring pagbalik ni Duncan sa Manila ay wala na si Rufa Mae dahil pupunta ito sa America sa April para magbakasyon at bisitahin ang kanyang mga kamag-anak.
 
Ani Rufa Mae: "Matagal ko nang plano ang US vacation. Pupuntahan ko ang aking mga kamag-anak doon. Vacation muna ako bago ko  simulan ang new  movie sa Viva Films na kasama ko si Ai Ai delas Alas."
 
Hinggil sa kanila ni Duncan. Sabi ni Rufa Mae: "Steady lang ako. Wala pang iba. Kaibigan ko lang si Duncan . Nagkakasundo kami dahil pareho ang hilig namin. Mahilig din akong kumanta tulad niya."
 
May nakatakda ngayong solo concert si Rufa Mae sa Mayo sa Aliw Theater. Hanggang ganoon pa lang daw ang maibibigay niyang information sa ngayon.
 
At least pagkatapos niyang magkaroon ng sariling album noon. May concert naman siya ngayong 2006. Walang tigil sa paghahanapbuhay si Rufa Mae dahil siya ang breadwinner ng kanilang pamilya.
 
May mga kapatid siyang pinag-aaral at may ilang kamag-anakan ang napaaral din niya.
 
"May pinsan akong lalaki na flight steward na ngayon. Dollars na kung kumita. Masaya ako sa kanya dahil natulungan ko siya."
 
Malakas ang loob niya noon na huwag sumama kay Rudy Hatfield sa US, ang napapabalitang ka-on pa rin niya ngayon, dahil maiiwanan niya ang kanyang pamilya at career.
 
"Pangunahin sa akin ay ang  career ko at pamilya. May pinirmahan akong kontrata sa GMA 7. May pamilya akong magugutom kapag iniwanan ko sila."
 
Walang kuwenta kay Rufa Mae kung ano ang pinagmulan ng  lalaki na tulad na naka-affair niyang si Rudy, o ang masugid  masugid niyang  mangliligaw na si Duncan.
 
Balewala sa kanya kung binatang ama ang sinumang mangliligaw niya. Wag naman daw sobrang matanda. Hindi siya pumapatol sa DOM.

* * *

Natiyempuhan namin si director Rico Gutierrez sa taping ng Mis-Match episode ng Season 9 ng Love to Love. Kinumpirma nito ang tsikang magri-resign na siya sa Extra Challenge  dahil sa schedule.
 
Effective February 1 ang resignation ni direk. With six regular shows na kanyang idinidirehe, Monday na lang siya nakatutulog nang maayos.
    
Bukod sa L2L at Extra Challenge, siya rin ang director ng Debate, All Star K!, S-Files  at Now Na! ng QTV 11. Unfair daw sa EC na wala siya sa taping dahil nasa ibang show siya. After L2L, hahabol pa siya sa taping ng EC sa Quezon.
 
"Pero, 'di talaga ako resigned, hindi forever na wala na ako. 'Pag libre ako, puwede akong tawagan. Love ko ang Extra Challenge, kaya kesa mapabayaan, iba na muna ang hahawak. Ang director ng Wish Ko Lang at nag-iilaw sa akin sa EC ang hahawak ng show,"

paliwanag ni direk Rico. * * * Nagba-blush si Ogie Alcasid at si Regine Velasquez nama'y halos ayaw makinig sa green jokes ni Rico J. Puno sa presscon ng Forever After (A Fantaconcierto).
 
Si Ai-Ai de las Alas lang ang lumalabang makipagbastusan kay Rico. Gagawin sa Araneta Coliseum sa February 10 at 11 ang sabi nina Regine at Ogie'y, very expensive concert.
 
First time makasama ni Rico si Regine at siya ang hindi pa sanay sa mga biro ng singer. Nagbiro pa ito na ang daming ipinapa-memorize sa kanya ni director Rowell Santiago at scriptwriter Ricky Lee, ang liit naman daw ng talent fee niya. Hahaha!
 
Si Ogie ang nakaisip ng idea na gawin sa concert ang telefantasy na uso sa TV and movies at nagustuhan ni Regine. Narrator si Allan K., pero hindi siya makikita't boses lang niya ang maririnig.
 
Mabibili ang tiket sa Ticketnet at sa Araneta Box Office. * * * Hindi sure si Ai-Ai kung papayagan siya ng ABS-CBN na mag-guest sa SOP para sa promotion ng Forever After concert. Magpapaalam siya at wala siyang magagawa kundi siya payagan. Sa Showbiz Stripped  ni Ricky Lo last Saturday pa lang siya pinayagang lumabas sa show ng GMA-7.
 
Tuwang-tuwa si Ai-Ai sa reception sa kanya ng mga taga-Channel 7 nang mag-taping siya ng Showbiz Stripped. Nakasabay niya si Manny Pacquiao, kaya sinalubong din siya nina Jessica Soho , Arnold Clavio at Mike Enriquez. Nagkita rin sila ni Atty. Felipe Gozon na nagulat sa kanyang headdress.
 
"Na-miss siguro ako ng mga taga-Siyete't nine years din ako sa kanila. May welcome back pa silang sinabi. Magulo at masaya," tsika nito.
 
Ibinalita ni Ai-Ai na may meeting siya with Channel 2 management for her new show sa network. Pero, ang alam niya'y sa May pa sisimulan ang sitcom nila ni Kris Aquino to be directed by Joel Lamangan.
 
Mauuna pa niyang gawin ang movie under Imus Productions opposite Sen. Bong Revilla. Si Wenn Deramas ang director ng comedy movie.
 
Nagbiro si Ai-Ai na in na uli siya sa showbiz sa rami ng project from concert to movies to TV show.

- -

 

 Site Services: Customer Service  |  Company Policy  |  Shipping Info Business Opportunity  | How to Order  |  Contact Us
 For questions or assistance, call 1-800-828-2577 (West Coast) or 1-866-828-2577 (East Coast)
 © 2001 Tatak Pilipino. All Rights Reserved 2005