

INDI totoong ban si John Lapus sa ABS-CBN masyado lang daw exaggerated ang mga balita tungkol sa kanilang dalawa ng mahusay na TV host na si Boy Abunda. At 'di rin banned ang si Kuya Boy sa EsQuinita Place kung saan meron namang puwesto doon si John. Ang dahilan -- lalaki.
"Actually, matagal na ang isyu na 'yan, pero hindi ko pinapansin. Una pa nga ay blind item hanggang sa pinangalanan na nga," ani Kuya Boy. "May nakakarating sa aking text na nagso-sorry si John dahil nga sa mga nasusulat. Pero dedma lang ako. Until nagkausap na kami ng personal. He went up to apologize. Ako kasi I don't want people say sorry na hindi mo nakikita ang sincerity. Gusto ko kami lang. So 'yun closed door. Kami lang dalawa. He said sorry for everything.
"Nagpaliwanag siya, then, ayun na-patch up. Saka, lalaki lang 'yun para pag-awayan namin. Diyos ko naman, papaano ko pang mahaharap 'yan, eh, hectic na nga ang trabaho ko. If I want to, madali lang 'yan. Pero, hindi, eh. At saka, siguro kung babae 'yun, ha ha ha, aba teka," mahabang dugtong ng host ng Homeboy, Kontrobersyal at The Buzz.
Regarding his shows, sinabi ni Kuya Boy masaya siya't naka-one year na ang kanilang Homeboy. He hates lang daw the word "nilalampaso" kapag may nababasa siya about the ratings ng kung alinman niyang show, specially ang The Buzz.
"Exagerrated, namang masyado. Like 'yung lumabas nu'n na nilampaso daw ng S-Files ang The Buzz. Grabe, eh, ang ratings lang naman pala'y nakalamang sila ng .4 percent. Ha ha ha... Eventually, hindi naman pare-pareho ang ratings. Kumbaga, minsan kami ang mataas, minsan sila."
Naikuwento din ni Kuya Boy ang nararanasan ni Willie Revillame dahil sa nangyaring trahedya sa ULTRA. Huwag daw sisihin si Willie or ang mga staff ng Wowowee at ABS-CBN sa pangyayari. Wala raw may kagustuhan sa mga naganap.
"Base on my experienced, talagang kapag gusto mong pumila at ayaw mong umalis sa kinatatayuan, no matter what, talagang andun ka lang. Ganyan ako noon bilang Noranians. Talagang nakapila ako at ayaw kong umalis sa puwesto ko. But thank God, at walang stampede na nagaganap noon."
* * *
SA launching album ni Ara Mina, napansin namin pawang heartaches ang nilalaman ng araminamovingon... Sinabi naman ng sexy-actress-singer na siya mismo ang pumili ng mga awitin na ten revival songs at isang original na Kailan Ka Magiging Akin na si Ogie Alcasid ang nag-compose.
"Totoong ang mga kanta ay parang may istorya. Pero, healing process na rin sa akin, lalung-lalo na ang carrier single ko 'yung Paalam Na. Saka favorite song ko ang Paalam Na nu'ng bata pa ako. At saka, kaya Moving On, kasi it's starting over again, no matter how painful and disabling heartbreaks could be. Lahat nga ay makaka-relate sa mga song ko na nasa album, eh," ani Ara.
"Siyempre, may influence ang personal na buhay ko, pero hindi naman 'yun ang main reason kung bakit ako nag-produce ng album. Greatest love ko ang pagkanta. Nag-focus lang ako sa pagiging actress dahil du'n ako dinala ng career ko. Noon ko pa naman plinano ang maging kasunod ng Heavenly album ko, eh. Kaya very happy ako na natapos ang araminamovingon... nang walang mabigat na problema," dugtong pa niya.
Open book naman kasi kung ano ang nangyari sa relasyon ng kanyang ex-boyfriend na si Jomari Yllana, pero ayon sa dalaga'y naka-move on na nga siya.
Si Polo Ravales ang nali-link nang husto sa kanya. Wala pa ring relasyon ang dalawa, pero inamin niyang hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagde-date nila at proud siya sa binata dahil nakikita daw niya ang pagka-sincere nito.
"'Yung iba kasi bigla na lang disappear kapag sinasabi mong friends lang muna kayo," aniya.
Tungkol naman kay Jimmy Bondoc dahil ka-duet niya ito sa What Do We Mean To Each Other, wala raw ibig ipakahulugan 'yun. "We're purely friends," sabi niya.
Well, sa dedication niya for Jimmy na nasa album, nakasaad doon "thanks for your constant support and for always being there until I finish my album. I owe you one," meaning hanggang sa matapos pala nila ni Ara ay laging nakaagapay si Jimmy sa kanya. Hindi kaya si Jimmy ang healing process ni Ara?
Hindi rin naman nakaligtas si Ara sa mga katanungan ng press people kung bakit bigla-bigla ay nag-focus siyang muli sa pagkanta. Hindi daw ba dahil nakikipag-compete siya sa napababalitang girlfriend ng kanyang ex-BF, si Pops Fernandez?
"Singing is my passion. At ito ang first love ko noon pang bago ako pumasok sa showbiz. Walang ibang rason at wala akong makitang masama dahil singer din naman ako," esplika niya.
Anyway, ang nakapaloob sa araminamovingon... album — Till My Heartache Ends, There's No Easy Way To Break Somebody's Heart, What Matters Most, To Love Again, Somebody, A Very Special Love, Changes in My Life, ang duet nila ni Jimmy, What Do We Mean To Each Other at ang compose ni Ogie, Kailan Ka Magiging Akin. Ang carrier single ng album ay Paalam Na.
-
- 