

INDI pa tuloy ang sinasabi ni Mother Lily na pagtatambalin niya sina Angel Locsin at Dennis Trillo sa Regal Films early this year. Hindi pumuwede ang schedule ni Angel sa bagong project ng Regal, ang horror movie na Pamahiin.
Sinisimulan na ni Angel ang soap na Majika, ang bagong telefantasia ng GMA 7. Tampok din ang tambalang Angel at Dennis. Magsisimula itong ipalabas pagkatapos ng StarStruck 3.
Samantala, sabi ng aming source sa Regal na wala pang naka-linyang project si Richard Gutierrez sa outfit kahit pa naging hit ang I Will Always Love You nila ni Angel na palabas pa rin hanggang ngayon.
Basta sabi lang ng aming source, ibig ni Mother Lily ay big project para sa actor. Ano kaya ibig sabihin nito?
* * *
KAHAPON ay pumirma na si Katrina Halili ng movie contract sa Regal Films. Matagal na kasing interesado si Madera sa kanya, pero hindi matuluy-tuloy ang project niyang gagawin dahil sobrang hectic ang schedule ng dalaga.
Sabi nga ng kausap namin, hit si Katrina ngayon at maraming fans. Mabili ang kanyang FHM Caledar 2006 at ang FHM December 2005 issue. At least may basehan na ang Regal ng pagpirma ng kontrata.
Kapag si Katrina ang tatanungin, ang sasabihin niya'y "Bumango ako sa tao at sa GMA 7 buhat nang maging Black Darna."
Kahit sexy ay pang-PG 13 ang mga pelikulang gagawin ni Katrina sa Regal. Si Dingdong Dantes ang napipisil ng Regal na unang maging leading man ni Katrina.
Hindi kaya pagmulan ito ng away nina Dingdong at Karylle? Anyway, regular din napapanood tuwing Miyerkules ng gabi si Katrina sa Nuts Entertainement. Bisita sa show at uupo sa hot seat ng Balakubak, ang Cueshe. Guest din si Angelica Jones na uupo naman sa Humumang Mani.
* * *
KUNG may magandang love story na isasadula ngayong Valentine's day, puwedeng-puwede ang kasaysayan ng pag-iibigan nina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista. Punung-puno ng buhay simula palang ng sila'y teenager.Kaya naman napili ng Magpakailanman na ipalabas sila bilang Araw ng mga Puso presentation ngayong gabi.
Pareho na silang artista noong nagkarelasyon. Bata pa kasi sila nang nagkita sa Gulong ng Palad. Bale dito na-launch ang career ni Romnick ni direk Marcial Samson.
Nagkahiwalay ng landas sina Romnick at Harlene nang naging ka-love team ng binatilyo si Sheryl Cruz at naging hit ang kanilang tambalan at naging mag-on din sila in real life.
Nang nabuwag ang love team at nagkalabuan din ang relasyon ng dalawa, na-in involve sa ibang babae si Romnick, isa na rito si Beth Tamayo.
Si Harlene naman ay na-link din sa iba. Hanggang dumating sa buhay niya si direk Rico Gutierrez na nakasama niya sa UP theater.
Nagbunga ang kanilang relasyon. Pero, hindi naman nagtagal ang kanilang pagsasama.
Pero, kung tadhana ninyo ang isa't isa, malamang na kayo rin ang magkatuluyan. Iyan ang nangyari sa love story nina Romnick at Harlene.
Ngayo'y may dalawang anak na sila at ang kasama pa nila ang love child ni Harlene.
Iba pang makukulay sa buhay ang matutunghayan sa interview portion ng MKM ni Mel Tiangco.
-
- 