Advertise Your Site



                              [enter a keyword]
 

 

   

 

ARTICLE SEARCH

Google
 

Web tatak
 

For Other News, Gossips and Features (see archive)

 
 
 
 
 
Buy Now!!!
Ogie Alcasid Greatest Hits: An Audio Visual Anthology (with VCD)
 
 
Buy Now!!!
Rivermaya Greatest Hits 2006: The Ultimate Collection
 
 
Buy Now!!!
Undercovers
(Jimmy Bondoc)
 
 
Buy Now!!!
Completely (Limited International Edition)
 
 
Other Sites
 
 
 

John Lloyd Cruz

YON sa ilang kaibigan namin na nakapanood ng My Mega Valentine concert ni Sharon Cuneta sa Araneta Coliseum noong Feb. 12, napuno raw ng megastar ang Araneta. Marami rin daw celebrities ang ginawang dating venue ang Araneta that night.

Namataan ng friend ko sina Manny Pacquiao at ang asawa nitong si Jinky.

Nando'n din sina Direk Lauren Dyogi and wife, Ara Mina na wala raw ka-date at marami pang iba. Ang special friend naman ni Christian Bautista na si Rachelle Ann Go ay present din sa concert.

Samantala, hindi na ma-sasabing malungkot ang Valentine's Day ni Ara Mi-na. Kahit hindi man niya aminin, obvious na si Polo Ravales ang nakasama ni-ya kahapon. Hindi lang ka-mi sigurado kung saan sila nag-date.

Magkasama rin daw sa isang private resort kaha-pon sina Heart Evangelista at Jericho Rosales na kababalik lang mula sa Malaysia para mag-launch ng kanyang album.

Si Luis Manzano, walang ka-date nung Valentine na kagaya ni Toni Gon-zaga na busy sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition.

Hindi naman kami sure kung ka-date ni Dion Ignacio ang dating na-link din kay Alvin Aragon ng StarStruck 1 na si Ynez Vene-racion. Madalas kasing makita ang dalawang mag-kasama, pero itinatanggi ni Dion na may relasyon sila ng sexy star.

Sina Bea at John Lloyd ay magka-date naman sa SM Megamall. Magkasama ang dalawa sa premiere ng Close to You. After the premiere, hindi kami sure kung nagkaroon ng se-parate dates ang dalawa.

Teka, bago kayo mag-isip, obvious bang friendly date lang ang pagsasama nina Bea at John Lloyd nitong Valentine's Day (kahapon). Kailangan nilang i-promote ang kanilang pelikula kaya dapat lang na maging visible sila.

Eh, ba't naman kasi ayaw pa nilang totohanan ang kanilang mga ginagampanang papel sa movie, 'no!

* * *

NAKU, di yata ako papayag na tuluyang ma-evict si Rico Robles, the Heartthrob DJ, sa Bahay ni Kuya.

Isa si Rico sa tatlong nominees sa 14 housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity (PBBC) for eviction sa susunod na Saturday. Ang dalawa ay sina Rudy Fernandez at Keanna Reeves.

I doubt if he will emerge the champ in the end. But I would not wish him to leave Kuya's house this early. His presence sa show make this PBBC episode interesting, exciting and heartwarming.

Sayang at di yata talaga 'sold' si Roxanne (Barcelo) na ibigin si Rico. Hindi nadala si Roxanne sa paiyak-iyak ni Rico.

Ganunpaman, sa totoo lang, they look good together. Nagkataon kasing pareho silang good-looking.

They have other things in common pa. Both lived in the U.S. for sometime. While Rico has already finished his nursing career (sa Manila Central University ), si Roxanne is in her fifth year as a commercial arts student sa Miriam College .

Pero, Rico, huwag ka munang mawawalan ng pag-asa kaagad. Tama ang sabi mong handa kang magtiyaga. May kasabihan, Rico, di ba, na kapag may tiyaga, may nilaga.

- -

 

 Site Services: Customer Service  |  Company Policy  |  Shipping Info Business Opportunity  | How to Order  |  Contact Us
 For questions or assistance, call 1-800-828-2577 (West Coast) or 1-866-828-2577 (East Coast)
 © 2001 Tatak Pilipino. All Rights Reserved 2005