
umahataw sa airwaves ang hit single ni Mark Bautista titled I Need You mula sa kanyang CD Lite under Viva Records. Medyo sexy nga ang packaging ni Mark sa kanyang bagong CD Lite pero komportable naman ang 24-year-old singer sa kanyang bagong image, pati na rin sa tipo ng mga songs na lamang ng kanyang CD Lite.
“Kakaiba talaga ang album na ito kasi yung tatlong songs talagang pinaghirapan kong i-record sa States. Kahit na yung album producer ko ay istrikto pero nakayanan ko naman ang gusto niya,” kuwento ni Mark. “Sumisigaw kasi siya sa studio pag hindi ko makuha ang gusto niya. Kasi Brazilian siya. Pero sa labas ng studio ay okay naman siya.”
Wala naman problema si Mark sa kanyang bagong image as a singer. Dito kasi sa bago niyang album, mas pop ang mga kanta niya, unlike sa debut album niya na balladeer ang naging packaging niya.
“Walang problema sa akin ang bagong image kasi before I joined the contest, I was in a band kaya sanay ako na iba't ibang klaseng songs ang kinakanta ko. Whether pop, R&B, o kaya standard, wala naman problema kahit na anong genre,” wika pa ni Mark.
“But the idea is mas pop at mas light ang songs sa album na ito compared to my first album that was heavy on ballads,” wika ni Mark. “Mas comfortable ako singing these type of songs. Binalikan ko lang ang mga type of songs that I was singing before.”
Anong songs sa bagong album mo ang iyong paborito? “Siguro yung mga songs that I recorded in the States kasi nahirapan ako. Kasi nga demanding ang record producer ko. Mahigpit talaga siya sa songs. Kailangan makuha mo ang tempo na gusto niya saka kung paano niya talaga gusto mo ito kantahin,” sagot ni Mark.
Ang packaging ni Mark sa kanyang bagong album reminds us of Enriqe Iglesias. May conscious effort ba para gayahin ang sikat na singer? “Hindi naman po. Gusto lang talaga namin to present another side of me,” wika niya.
Parte na rin sa pagbabago ng image ni Mark ay nag-workout din siya to keep himself fit. Kaya naman nag-improve din ang kanyang hitsura. “Choice ko rin naman to keep myself fit. Hindi ko naman sinadya na magpapayat. Gusto ko lang talagang maging fit.”
Dahil sa kanyan bagong packaging na sey, may mga nagtanong tuloy kung ready na ba si Mark na mag-endorse ng underwear o kaya ay magsuot ng underwear sa pictorial?
“Hindi pa naman siguro time para mag-endorse ako ng underwear. Hindi pa naman po ganun kaganda ang katawan ko. Wala pa po akong courage na gawin iyon,” sagot ni Mark.
Pero kung sakaling okay na ang katawan mo, gagawin mo kaya ito? “Siguro po kung confident na ako sa katawan ko. Kaya nga po nagwo-workout ako palagi to keep myself fit. Wala naman masyadong nakita sa pictorial ko sa album. Medyo sexy lang talaga kaya iba ang dating ng photos. Pero hindi ko naman gustong magpaseksi,” wika ng singer.
“The idea was to show the public na mature na rin ako, in my musicality, at saka sa pagkatao. Nag-mature na rin talaga ako kahit paano. Pero hindi naman ibig sabihin na magpapaseksi na ako. Hindi ko naman linya ang magpaseksi. Wala pa naman ako sa point ng career ko na I want to try something daring. Wala pa naman.”
Pag may oras talaga siya, once a week ay nasa gym si Mark para mag-workout. Inaabot ng tatlong oras ang workout niya. Kung minsan ay three times a week siya nagwo-workout sa Discovery Suites. Bukod dito ay naglalaro rin siya ng badminton. Aside from that, he also watches what he eats.
“I watch what I eat pero pag sobrang gutom na ako, wala na rin. Kain na lang ako nang kain. Ngayon umiiwas na akong kumain ng taba at saka rice. Sa eggs naman, yung puti lang ang kinakain ko, especially kung may pictorial ako na shirtless so kailangan fit talaga ako,” kuwento pa niya.
Wala naman strict diet na sinusunod si Mark pero ang bilin ng kanyang fitness instructor, huwag siyang masyadong kumain ng kanin. Hindi na rin siya kumakain pag midnight. Kung sakaling nagugutom siya, crackers na lang ang kinakain niya.
Kailan kaya makikita ng kanyang mga fans si Mark in a daring role?
“Hindi pa siguro sa ngayon. Hindi ko naman siguro kailangang maghubad sa isang movie. Huwag muna siguro. Ayoko ying tanggapin muna kung sakali. Mas marami pa naman akong puwede ipakita as a singer na hindi ko naman siguro kailangan na maghubad. Pero okay lang sa aking magsuot ng something sexy,” pahayag pa niya.
-
- 