
inag-react namin si Mark Herras regarding Jennylyn Mercado and Jake Cuenca. Ano ba ang masasabi niya sa mga patutsada umano sa kanya ng dating ka-loveteam na malamig ang pakikitungo sa kanya ngayon? Ano rin ba ang masasabi niya sa namumuong ligawan daw diumano sa pagitan nina Jake at Jennylyn na kapwa magkasama sa bagong season ng Love To Love.
“Una, hindi ako naniniwala na nagpapatutsada sa mga interview niya si Jen. Kilala ko yung, hindi naman siya yung tipong magsasalita ng hindi maganda sa ibang tao lalo na ako ang involved. Kung ano ang mga naging problema sa relasyon namin, alam ko na sa amin na lang talaga yun. Kita nyo naman kahit sa TV hindi naman siya nagsasalita ng against sa akin kaya hindi ako naniniwala na may mga sinasabi siya against sa akin,” simula ni Mark na very positive ang outlook ngayon sa trabaho.
Ano naman ang masasabi niya sa panliligaw ngayon ni Jake kay Jen?
“Totoo bay un?” balik-tanong ni Mark. “Anyway, wala naman ako sa posisyon para sumagot. Pero kung sakali, wala na naman akong paki dun. Friends na lang kami ni Jen at trabaho na lang talaga ang lahat sa amin.”
Hindi ba siya nagseselos?
“Hindi! Kasi pareho na naman kaming nag-move on. Hindi naman kami magkagalit kaya okey lang yun. Yung selos, wala na naman akong reason para maramdaman pa yun,” sagot ni Mark.
Hindi ba niya nami-miss ang dating love of his life?
“Hindi masyado kasi nagkikita pa naman kami madalas at nag-uusap naman kami parati. Wala namang masyadong nagbago sa amin except sa relationship.”
Would he say na si Jen ang minahal niya ng ganun kalalim?
“Hindi ko masabi kung gaano kalalim pero ang masasabi ko, minahal ko talaga siya ng todo-todo. Swear!”
Wala na bang pag-asang magkabalikan?
“Time will tell, pero for the meantime, masaya na kami sa ganitong sitwasyon, maayos ang trabaho at walang galit-bati. Okay na muna na ganito at we have to move on kung ano ang dapat na mangyari. Kung magkakabalikan kami ni Jen, panahon na lang ang makapagsasabi talaga.”
Tuloy pa rin ba ang soap opera na pagsasamahan nila na sa US pa kukunan?
“We're hoping na matuloy pa rin kasi bagong kabanata na naman ito sa career namin. Hindi namin alam kung tuloy kasi wala pa namang sinasabi sa amin. Right now, nagkakasama pa rin naman kami ni Jen nang madalas sa trabaho kaya hindi na muna namin yung iniisip. Pero syempre, gusto namin na matuloy yung project na yun!” say pang muli sa amin ni Mark.
Kumusta naman siya ngayong hiwalay na sila ni Jen?
“Okay naman, trabaho na lang muna talaga ang nasa isip ko. Pahinga muna,” maikling sagot pa ni Mark.
Balitang nililigawan niya si Pauleen Luna, ano ba talaga ang real score sa kanila?
“Kaibigan ko lang siya. Dumadalaw ako sa bahay niya, madalas kaming nag-uusap. Kung ligaw ang tawag dun, eh sa akin hindi muna ganun, kaibigan lang talaga pero hindi ko naman sinasabing hindi ganun ang motibo ko. Basta ngayon, friends talaga kami!” paglilinaw na sabi ni Mark sa amin.
-
- 